Kay Kidd Suleta

Tibay ng loob ang kanyang puhunan
Makarating lamang sa patutunguhan
Bawat mithiin niya ay makabuluhan
Lahat ay aabutin, anuman ang kakayahan
Hindi balakid ang kawalan upang siya’y lumaban
Sapagkat ‘di kahinaan ang maiba sa karamihan
Ang kanyang mga hilig ay pawang kalakasan
Nagsisilbing patunay ng kanyang kahusayan















